It's hard to tell your mind to stop loving someone when your heart still does.
 Kiddo/s reading

New Generation of Tumblr Bloggers.

Wow, totoo pala yun no? Na nagpapalit din ng generation ang tumblr bloggers. Sa bagay lumilipas nga naman ang oras, kaya syempre nagkakaroon ng bagong generasyon ng mga Pinoy tumblr bloggers.

Naalala ko tuloy noon, nung panahon ko pa. I mean panahon pa na nauso yung mga fansigns sa tumblr, rate blogs, promotions, pagawan ng banner, at ang pagkatrend ng greying theme. Yes isa ako sa nakasubay-bay ng mga yan.Yung panahon na sumikat ang globe sa tumblr dahil sa conference call at ang pagbubuo ng mga kada kada.

Alam kong hindi nyo tatanungin pero sasabihin ko nalang din, na nagstart ako mag tumblr noong March 28, 2009. Oh diba ang tagal na din pala ko dito sa tumblr, pero tong account na gamit ko eh 2nd account na. Nagstart to June 3, 2011. Dahilan kung bakit ako nagdeact? Wala lang too much pressure, at kaya lang ako bumalik dahil sa mga tumblr friends ko dati dito.

Ngayon napansin ko lang na sobrang laki na talaga ng tumblr community dito sa Philippines. Grabe as in, nagsilipana na ang mga meet ups, at pag nagkakaroon ng meet ups sobrang dami nila na umaattend and I wish one day I could be one of them. Hahaha, ayun.

Nakakatuwa lang sa mga bloggers ngayon eh yung mga taong nagpupursige silang magblog at ishare yung mga thoughts nila dito sa tumblr. Not only because they want fame pero wala lang gusto lang nilang ishare. Meron din namang mga bloggers na ang blog nila ay online diary ng buhay nila. Meron din namang mga one liner parin. Pero wag ka andaming nakakarelate sa mga posts nila. At isa pang nakakatuwa sa tumblr ngayon eh karamihan mga bata, i mean nagrerange from 13-18 years old(yes pasok pako). At ganun na sila mag blog. Yun nga lang hindi talaga maiiwasan dito sa tumblr yung mga walang kwentang blog lang. Yung may masabing may tumblr account sila. Sorry for the term “walang kwenta” ah kasi yun naman talaga. Hindi masama ang ugali ko, yun lang yung napapansin ko. Ok?

Well to all the pinoy tumblr bloggers,

Bagong bloggers man o mga oldies kung tawagin nila dito sa tumblr isa tayong pamilya. Isang bansa. Tandaan kung walang pagkakaisa, wala din tayong kwenta. Kung patuloy na awayan ang magaganap dito sa dashboard ng isa’t isa. wala tayong mararating. Let’s keep blogging! Wag natin idamay ang mga personalang away natin sa dashboard, kung may alitan man sa inbox, fanmail or sa chatbox ng facebook nalang kayo mag-away. Wag na magparinig. Para masaya tayo at hindi nag-aaway diba? Ayun lang, sa mga followers ko at sa mga makakabasa neto, KEEP INSPIRING EVERYONE! Spread love, spread our thoughts!