Buhay ko. Alam ko medyo mahaba, pero kung gusto nyo talaga akong makilala basahin nyo to.

Si Rayniel(blogger) ay isang makulit at masiyahing bata kaso may pagkamahiyain kapag ka hindi nya kilala yung kasama nya.  Mabilis syang mahiya, kasi nasanay sya nung konti lang ang nakakakilala sa kanya. Pero approachable naman sya hindi sya SNOB. Marami din syang mga kaibigan yun nga lang yung iba eh busy sa kani-kanilang pinag gagagawa. Si rayniel ay ipinanganak sa Chinese General Hospital. Nagkaisip sa Maynila, ngunit sya ay lumaki sa Quezon. Nasanay syang mamuhay na malapit sa kanyang pamilya dahil sa kanilang limang magkakapatid eh sya ang bunso. Lahat ng kapatid nya ay may asawa na at sya na lamang ang hindi pa nag aasawa. Ngunit hindi yan ang nasa isip ni Rayniel dahil mataas ang pangarap nya siguro pangalawa lang yan sa nais nyang marating. Dahil kailangan nyang magtapos ng pag-aaral upang ma-iahon ang kanyang pamilya sa kahirapan. Hindi man sila ganoon kahirap ngunit ang gusto ni Rayniel eh mapasarap naman ang buhay ng kanyang mga magulang.

Bata pa lamang si Rayniel ay may angking talino na sya pagdating sa Math ngunit hindi sya pinapalad sa mga sauluhin. Dahil mahina ang kanyang memorya. Habang lumalaki si Rayniel ay patuloy nyang pinag huhusayan ang kanyang talento sa Math, katunayan eh marami na syang nauwing karangalan sa subject na yan.

Nagtapos si Rayniel ng elementarya at sekondarya ng hindi pa nagkakasyota. Kasi inisip nya magiging sagabal lamang ito sa kanyang pag-aaral. Tsaka hindi man sya gwapo eh atleast may ipagmamalaki sya pagdating sa larangan ng pautakan. Noon parang laro lang kay Rayniel ang pagmamahal. Pag nakikita si Crush eh kinikilig at kinakabahan na hindi makapagsalita. Ngunit hanggang doon lang yun. Wala na dahil laging tinatatak ng mga magulang nya sa kanyang utak eh MAG-ARAL NG MAG-ARAL kasi hindi biro ang maging bunso na ang mga kapatid mo eh mga cumlaude ng iba’t ibang schools tapos ikaw wala ka man lang mauuwi.

Nabigo si Rayniel sa kanyang balak na magseryoso sa pag aaral nung dumating yung 4th year highschool. Nawala sya sa focus mag-aral simula nung baliin ng nanay nya yung promise sa kanya na sa FEU sya mag aaral pag tungtong nya ng kolehiyo. Naging humina ang pang intindi nya, hindi nya naintindihan na WALANG PERA kaya ayun, si Rayniel ay sumama sa mga kaibigan nya para mag cut ng class. At kung ano anong gawin. Pero noong patapos na yung klase narealize nya na mali pala yung ginawa nya at muli syang nagbalik sa pag aaral. Naisip nnya na wala narin syang magagawa. Ayun. Lumipas pa ang konting oras at naka graduate sya. Top 6 lamang sya. Hindi nya napigilang umiyak dahil alam nya na kung pinagbutihan nya yun eh di sana mas mataas pa dun yung nakuha nya pero tapos na eh. 

First year first sem.

Si rayniel ay galak na galak mag aral kahit may konting galit sa kanyang magulang eh agad nya na itong iwinaksi. At ayun muli syang nag-aral dun sa kanyang pinag-aralan noong sya ay sekondarya pa lamang. Kinuha nyang course ay BS Computer Science. Hindi talaga computer science ang gusto nya kundi Information Technology kaya lang wala syang nagawa. Ayun, pinagpatuloy nya. Naging magaganda ang grades nya, laging puro uno at walang dos sa class card. at natapos ang isang sem noon na sya ang Top 1 sa klase. Tuwang tuwa sya lalo noong malaman nya na pinayagan sya ng nanay nya na mag enroll sa PLM kung sya daw ay papasa kaya agad syang nagtungo sa maynila.

Tumigil muna sya ng isang sem at sa pag tigil nyang yun eh marami syang na realize. Isa na dun eh kung gaano kahalaga ang pag aaral sa ating buhay. Marami pa kasi syang hindi natututunan eh, Kailangan nya pang mahasa ng lubos upang maging mas matalino pa sya at maging handa para sa kanyang kinabukasan.

Hanggang dito muna ang sasabihin ko tungkol sa aking sarili. Sanay mag-enjoy kayo sa aking blog. Marami kayong matututunan at lahat ng yan ay aki’ nang naranasan.

30.01.12
37 notes
  1. misterkiddo reblogged this from misterkiddo and added:
    Alam kong walang magtyatyagang magbasa nito, pero repost parin! Wala lang malungkot lang. Papost lang. Si...
  2. louieblogs said: Sayang pero ang ganda ng istorya, at the end of the day, mas magandang may mga leksyon tayong natutunan. Anyway,pupunta kmi sa PLM sa Feb 2 para sa essay writing contest. Me and my classmate are the school’s representative. Sayang, di kita makikita.
  3. prinsesangbrownout said: wow :D